Fangirl Feels

Meteor Garden Started It All!

Now tell me if I am not a Meteor Garden fan.

Well, parte na talaga ng kabataan ko itong Meteor Garden, ito yung unang Asian Drama sa Pinas na sumikat talaga. Naalala ko mga elementary days ko iyon, mga grade 4, 5 or 6. Kapag tapos na yung anime na “Cooking Master”, ito na yung kasunod, mga 6pm ‘to eh. Sasabayan ko pa yung opening song, tapos pati rin yung ending song.

Una kong nagustuhan si Mei Zuo ( Vaness Wu ), ang ganda kasi ng hair, straight na straight, haha. Then, dahil sa character ni Hua Ze Lei (Vic Zhuo) sya na yung sumunod na nagustuhan ko, last si Dao Ming Se (Jerry Yan), gusto ko rin naman si Xi Men (Ken Zhu). Hmm, naaalala ko pa kung gano sila pinagkaguluhan pati yung hairstyle at yung kanta.

Boom na boom talaga.

Kaya ayan, bata palang ako, “fangirl” na ako. Dahil nga hindi pa naman uso ang Internet noon, mahirap pang makakuha ng spoilers at pictures, mangha mangha ka na sa mga balita tungkol sa kanila. Bentang benta din yung mga memorabilia nila, lahat ng gamit merong mukha nila. Bumili ako ng mga yan, lahat ata ng gamit ko, may mukha nila mapa damit, pencil case, baraha, magazine, panyo atbp.

tumblr_lvvnp4OEmi1qburhlo4_1280

Grabe lang! Yung kanta din nila, naalala ko, nasira ko yung cassete namin kasi sa kaka-pause-play ko para lang marinig yung sinabi nila at ililista ko saka ko sasabayan. Hahahah 🙂 Nandun pa yung kunwari kabisado ko yung kanta. Nakakatawa talaga. Bumibili din ako ng iba’t-ibang klase ng dyaryo non, para lang makita ang mukha nila. Haha. So ayan na nga, years passed, at buti nalang naitago ko pa itong mga ito. Dinikit ko siya sa scrap book ko kaya pinicturan ko para makita nyo kung gaano ako kaadik.

Siguro nga bata pa lang ako fangirl na ako, kaya nung naglabas ng korean drama, lalong nag intensify yung feels ko kanila.

Siguro kung papatugtugin yung OSTs ng Meteor Garden masasabayan ko parin bes. Hahahaha. Wala eh, ang hilig ko talaga sa mga taong hindi ko maintindihan hahaha.

From “Oh Baby Baby” to “Baby Oh Oh Oh” real quick.

Advertisements

5 thoughts on “Meteor Garden Started It All!

  1. Bes i feel you, hanggang ngayon meron pa rin akong mga post card at notebook ng F4.. Kahit lumipas ang ilang taon, sila pa rin ang unang nagdala ng kilig sa atin.. At si Mei Zuo talaga bias ko, hanggang ngayon sya pa rin, nung napanood ko sya sa Asia’s Got Talent nanumbalik lahat ng memories ko sa Meteor Garden, wala talaga akong pinalampas na episode nun, talagang gagawa ako ng paraan mapanood ko lang.. Haha

    Liked by 1 person

  2. Grabi din ako ka fangirl ng F4 lalong lalo na ky hua ze lie (vic zhou).. As in hanggang ngayon nka tago pa rin yung mga pictures nla sa album ko… Pati sa anak ko kinekweto ko sa knla
    . hehehe… Sana my part 3 ung meteor garden…

    Liked by 1 person

  3. Bes! Ganyan na ganyan din ako dati! Dyan talaga nagsimula ang pagiging fangirl ko 😀 Grabe talaga kapag lumabas ka ng bahay alam mo pa rin nangyayari sa MG kasi lahat ng kapitbahay nanunuod din ng MG 😆Nasakin pa rin yung mga F4 and MG memorabilia ko hanggang ngayon kahit binaha na sila at dikit dikit na yung ibang mga pics~ I can’t part with them after all this time 😁 kung walang Meteor Garden di siguro ako naging ganito kasipag at dedicated na fangirl~ sa MG talaga nagsimula lahat ng pagfafangirl ko ngayon 😁

    Liked by 1 person

  4. Waaah. Feels 💞💞 Lalo na nung In A Relationship na sila Barbie Hsu at Vic Zhou. Grabe ang tagal din nila bes kaso naghiwalay din sila. Kaya sana magkaron ng reunion concert sila sa PH. For sure, sold out tickets non. 💓💓💓

    Liked by 1 person

  5. Hello, naaalala ko to kasi sila talaga ang nagpasimula ng kabaliwan sa asian drama. Sobrang fan din ako ng meteor garden dati nung high school ako. Yung tipong nilalagnat talaga ako pag may namimiss na episode tapos di ko na mababalikan kàsi wala pa kaming internet hahaha. Tapos nangolekta din ako ng magazine clippings at teks na mày pics nila. Those were d dàys talaga 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s